Sabado, Pebrero 20, 2016

I.T CLASS

Lahat ay sabik na pumasok sa unag araw ng klase,bagong kaklase,bagong guro,bagong leksyon na matutunan.Ito ang unang pagkakataon na pang gabi ang klase ko,kaya may halong hiya at kaba ang aking nadarama nang mga araw na iyon.Nang pumasok na ang guro namin kinabahan ako ng konti kasi parang istrikto syang tingnan ang kanya tindig at gayak ay napaka ayos na para bang ang bango-bango nyang tingnan.. hehehe.pero nung nag simula na syang mag salita hindi pala,mali pala ang ako, napaka giliw nya palang tao.mas marami ang tawanan at hugotan sa klase namin.masasbi ko sa i.t class ko na madami akong natutunan,at bibinibigyan ko ng importansya sa isa sa mga natutunan ko ay ang tamang pag gamit ng internet.Lalo na ang mga social media sites.natutunan kong gumawa ng blog sa unang pagkakataon.natutunan kong rumespito lalo na sa aking guro at kamag-aral.Sa klase ding ito ako na mold bilang isang leader sa grupo,kung papano ko pakikisamahan ang akng mga myembro.Tuwing eksam sinisigurado ko talaga na nakapag study ako,kasi alam kong ayaw na ayaw ni sir ang nangongopya,oo nga naman malaking insulto yun para sa isang guro.Masaya ako sa i.t class ko makikita yun sa bawat grado ko, ang pag aaral ay para din kasing craft pag gusto ang ginagawa asahan mo ang magandang resulta,pag hindi naman wala din. Sana sa susunod ganito din tayo ka saya.i enjoy natin ang bawat klase,kasi hindi lahat ng kabataan nakaka pag aral,matuto tayong pahalagahan ang mga bagay na meron tayo at iyon
ay ang prebelihiyo na makapag aral.tayo din naman ang aani nito pagdating ng panahon. Sa lahat maraming salamat sa paglalaa ng oras na basahin ang aking blog.
           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento